Pagiging independent ng mga sangay ng gobyerno ipinanawagan ng oposisyon sa Senado

drilon1

Courtesy of Wikipedia.org

Kasabay ng pagdiriwang ng Independence Day, umaapela ang oposisyon sa Kongreso at Korte Suprema na ipaglaban ang kanilang kalayaan bilang mga institusyon ng demokrasya.

Sa isang statement, sinabi ng opposition Senators na pinamumunian ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na sa gitna ng kumplikado at watak-watak na political environment, ngayon dapat ipakita ng mga democratic institutions  ang kanilang kalayaan.

Hindi aniya mapro-protektahan at mapaglilingkuran ang mamamayan kung hindi ipaglalaban ang kalayaan at integridad ng mga ahensya.

Ayon sa oposisyon, hindi dapat payagan na lapastanganin ng iba ang kanilang institusyon dahil isa itong pang iinsulto sa mga matatapang na Filipinong nakipaglaban para sa kalayaan.

Sa harap ito ng napipintong debate sa mga petisyon na kumukwetsyon sa idineklarang Martial Law sa Mindanao.

Iginiit ng oposisyon na hindi dapat magpa impluwensya kaninuman ang mga democratic institution tulad ng Kongreso at Supreme Court lalo na sa pagdedesisyon sa mga importanteng usapin.

Ulat ni : Mean Corvera

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *