Indonesia, nais na ring tumulong sa pagresolba ng gulo sa Marawi City

indonesia

Courtesy of Wikipedia.org

Nagpahayag na rin ng intensiyon ang Indonesia na makatulong para tuluyang masugpo ang Maute-ISIS group sa Marawi City at iba pang bahagi ng Mindanao.

Nakatakda ring makipagpulong ang kinatawan ng Indonesia sa gobyerno ng Pilipinas upang pormal na imungkahi ang nasabing ideya.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, hiling ng Indonesia na maidaos ang pulong sa lalong madaling panahon .

Tumanggi muna si Cayetano na magbigay pa ng iba pang detalye ukol sa mungkahi ng nasabing bansa.

Samantala, ipinagtanggol naman ni Senate President Koko Pimentel ang Duterte administration sa pagtanggap ng tulong mula sa Estados Unidos para technical at logistical support para sa pagtugis sa Maute-ISIS group.

Ayon kay Pimentel, wala itong nalalabag na batas sa ilalim ng Philippine Constitution.

Umiiral pa rin aniya ang Visiting Forces Agreement (VFA) ng Pilipinas at Amerika.

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *