Tulong ng DILG at BJMP hiningi ng DOJ para bantayan ang mga naarestong Maute members

ag

Courtesy of Wikipedia.org

Humingi na ng tulong si Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa DILG para sa pangangasiwa at pagbabantay ng mga naarestong hinihinalang myembro ng Maute Group na nagpasimuno ng pag-atake sa Marawi City.

Ang Camp Evangelista sa Cagayan de Oro na nasa ilalim ng Fourth Infantry Division ang napili ng Korte Suprema bilang detention facility ng mga maaarestong suspek sa gulo sa Marawi.

Sa liham  ni Aguirre  kay DILG Officer in Charge Undersecretary Catalino Cuy, sinabi na nangangailangan  ang AFP ng suporta mula sa Bureau of Jail Management and Penology para sa pang-araw araw na pangangailangan ng mga Maute detainees gaya ng pagkain.

Kailangan din aniya ng karagdagang tao o jail guard na magbabantay sa mga suspek.

Inihayag ng kalihim na nakipag-ugnayan na sila sa AFP na nagpahayag ng kahandaan na sumunod sa utos ng Korte Suprema na maglaan ng detention facility para sa mga maaarestong myembro ng Maute sa Camp Evangelista sa CDO.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *