Sen. Bam Aquino pinag-aaralan na ang pagsasampa ng kaso laban kay Justice Sec. Aguirre
Desidido si Senador Bam Aquino na maghain ng kaso laban kay J.
Sa gitna ito ng pagtanggi ni Aguirre na mag-public apology hinggil sa kanyang palpak na akusasyon laban sa ilang miyembro ng oposisyon na umano’y nasa likod ng Marawi siege.
Ayon kay Aquino, patuloy na nag-uusap ang grupo ng kanyang mga abogado at inaaral ang paghahain ng kaso laban kay Aguirre.
Bukod dito, tiniyak ni Aquino na kukomprontahin niya ang kalihim oras na dumalo ito sa isasagawang pagdinig ng Senate Committee on Public Information ang mass media kaugnay ng paglaganap ng fake news na karaniwang nagagamit para manira ng reputasyon ng ibang tao.
Magugunitang nilinis na ni Aguirre ang pangalan ni Aquino, katunayan nag-sorry na ang kalihim sa pamamagitan ng telepono.
Pero bukod sa public apology ay nais din marinig ni Aquino kay Aguirre kung paanong naisip na idawit siya sa isang terrorist activity.
Ayaw na sanang personalin ni Aquino ang isyu, pero lubhang delikado aniya na mismong ang kalihim ng DOJ ay nagsisinungaling at basta-basta pumapatol sa walang basehang impormasyon.
Ulat ni: Mean Corvera