OSG tiwalang papaboran ng SC ang Martial Law declaration
Umusad na kahapon ang tatlong araw na oral arguments ng Supreme Court ukol sa idineklarang batas militar ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Hindi naman natitinag ang Office of the Solicitor General sa paninindigang naaayon sa konstitusyon ang Proclamation no.216 ni Pangulong Rodrigo Duterte o ang deklarasyon ng batas militar sa Mindanao.
Hindi pa man sumasalang sa interpellation sa oral arguments si Solicitor General Alex Calida sinabi nito na tiwala sila na papabor ang kataas taasang hukuman sa deklarasyon ng Martial Law.
Tatlong araw ang itinakda ng Korte Suprema para dinggin ang tatlong pinagsama-samang petition na tutol sa deklarasyon ng Martial Law sa Mindanao.