Dalawampung porsyento ng Marawi City hawak p a ng Maute- WESMINCOM
Aabot sa dalawampung porsyento pa ang hawak ng Maute group sa Marawi City.
Ayon kay Lt. General Carlito Galvez, Commanding General ng Western Mindanao Command, mula sa syamnaput anim (96) na barangay ng Marawi City, okupado ng Maute ang mga barangay ng Marinaut, Lulut, Mapandi at Bongolo Commercial District.
Inihayag ito ni Galvez matapos ilathala ng Amaq, ang News Agency ng Islamic State na two thirds (2/3) ng Marawi City ang kontrolado ng Maute group at wala umanong kakayahan ang militar ng Pilipinas na kontrolin ang sitwasyon doon.
Binigyang diin pa ng militar na gumagamit lamang ng propaganda ang ISIS dahil lumiliit na ang mundo nila sa Marawi City sa pagdaan ng mga araw.