Computer glitch sa BPI hindi pa maiimbestigahan ng Senado – Sen. Escudero
Hindi pa maiimbestigahan ng Senado ang resolusyon na humihiling na busisiin ang nangyaring computer glitch sa Bank of the Philippine Islands.
Katwiran ni Senador Francis Escudero, Chairman ng Senate Committee on Banks, hindi pa nai-refer sa kanyang komite ang resolusyon dahil kasalukuyang nakabakasyon ang Kongreso.
Nauna nang naghain ng resolusyon si pPmentel para busisiin ang nangyaring internal data processing error sa BPI.
Kailangan aniyang malaman ang epekto nito sa financial system ng mga bangko.
Kahit nagbigay na aniya ng assurance ang BPI na hindi hacking at scam ang nangyari, kailangan pa ring suriin ang umiiral na security protocol sa mga bangko.
Ulat ni: Mean Corvera