Mga gumagamit ng Vapor o E-cigarrete, delikado sa pitong libong kemikal na taglay nito ayon sa DOH
Muli na namang uminit ang usapin tungkol sa paggamit ng Vapor cigarretes o E-cigarretes dahil napatunayan sa mga pag aaral na taglay nito ang mga kemikal na lubhang mapanganib sa kalusugan ng tao.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, nasa pitong libong mga delikadong kemikal ang taglay ng Vape o E-cigarretes.
Sinabi din ni Ubial na ang E-cigarretes ay hindi sakop ng Republic Act 9211 o ang pagbabawal ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar, kaya naman, pinagiisipan nila na magkaroon ng isang hiwalay na order sa paggamit ng E-cigarretes at Vapes.
Hinikayat din ni Ubial ang mga Local Government Unit na gumawa ng local ordinances sa paggamit ng E-cigarretes tulad ng ginawa sa Davao.
Kumukuha rin sila ng technical assistance mula sa World Health Organization kung paano nila gagawin na mai-ban din ang Vaping o E-cigarretes sa mga pampublikong lugar.
Binigyang diin ni Ubial na ang sakit na dulot ng paninigarilyo ay isang dahilan ng maagang kamatayan nang halos lahat ng tao sa buong mundo.
Mas matindi pa ang sakit na nakukuha ng mga nakalalanghap ng usok kaysa sa mga gumon sa sigarilyo.
Kaya naman, kung mahal natin ang ating asawa, anak, mga kaibigan at kapaligiran, huwag nang manigarilyo, E-cigarretes man o Vape.
Ulat ni: Anabelle Surara