Moratorium sa deployment ng OFW sa Qatar binawi na ng DOLE
Binawi na ng Department of Labor and Employment ang moratorium sa deployment ng mga OFW patungong Qatar.
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello , ito ay kasunod ng konsultasyon ng DFA at sa abiso mismo ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.
Batay naman ito sa rekomendasyon ng Qatar Philippine Overseas Labor Office matapos ang isinagawang pagmonitor sa sitwasyon sa nasabing bansa na balik na raw sa normal ngayon.
Ayon pa sa kalihim, tiniyak din ng Qatar government ang kaligtasan ng may 240 thousand na Pinoy sa kanilang bansa.
May kahilingan pa aniya sina Labor Attache David Des Dicang at ang Philippine Embassy para sa deployment ng mga newly-hired na mga OFW patungo sa Qatar.
Ulat ni: Moira Encina