Desisyon ng SC sa isyu ng Martial Law posibleng ipalabas sa July 5

sc1

Courtesy of Wikipedia

download
courtesy of wikipedia.org

Sa July 5 o tatlumpung araw matapos maihain ang unang Martial Law petition, inaasahang ilalabas ng Korte Suprema ang desisyon nito kung papaboran o ibabasura ang kahilingan na ipawalang bisa ang batas militar sa Mindanao.

Ito’y matapos ang tatlong araw na oral arguments ng Korte Suprema sa mga petisyon na kumukwestyon sa deklarasyon ng batas militar sa Mindanao.

Kinumpirma ni Supreme Court PIO Chief Atty. Theodore Te na sa huling araw ng oral arguments ay nagkaroon ng internal deliberations ang mga mahistrado kasama ang ilang mga opisyal ng militar at Department of National Defense.

Sarado sa publiko ang nasabing deliberasyon.

Kabilang sa mga dumalo ay sina Defense Secretary Delfin Lorenzana at AFP Chief of Staff General Eduardo Año.

Humarap din si Solicitor General Jose Calida para sa kampo ng respondents habang sa petitioner ay si Congressman Edcel Lagman at iba pang abogado

Pumayag ang SC sa kahilingan ng Solgen na idaan sa internal deliberations ang pagdinig bagaman ito ay tinutulan ng mga petitioner.

Sa nasabing closed door deliberations ay nagkaroon ng presentasyon ang mga DND at AFP official ukol sa Martial Law.

Sumalang din sa interpelasyon sina Año at Lorenzana.

Kaugnay nito inatasan ng SC ang mga partido sa kaso na magsumite ng kanilang memoranda sa June 19.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *