LGU’s hinimok ng DILG na paghandaan ang pagpasok ng La Niña phenomenon
Hinimok ng Department of Interior and Local Government ang lahat ng lokal na gobyerno na maghanda na sa pagpasok ng La Niña phenomenon.
Inatasan na ni DILG Officer-in-Charge Catalino Cuy ang mga Provincial Governor, City o Municipal Mayor at Barangay Chairmen na pulungin na ang kanilang Local Disaster Risk Reduction and Management Councils at magsagawa ng pre-disaster risk assessment lalo sa mga flood-prone at landslide-risk area.
Hinikayat din ni Cuy ang mga Local Chief Executive na pag-aralan na ang kanilang La Niña action plans na isinumite sa DILG field offices at tiyaking nakalatag ang mga hakbang alinsunod sa La Niña forecast ng PAGASA.
Kahapon ay nakaranas ng malakas na pag-ulan dulot ng thunderstorm ang ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila.