Mga Senador pinag aaraan na ang paghahain ng panukala na magpapataw ng parusa laban sa mga nagpapakalat ng fake news
Pinag aaralan na ng mga mambabatas ang paghahain ng panukalang batas na magpaparusa laban sa mga gumagawa at nagpapakalat ng fake news.
Sa harap ito ng pagkalat sa social media ng mga fake news na nagagamit na rin para siraan ang mga opisyal ng gobyerno at iba pang personalidad sa pamamagitan ng social media.
Ayon kay Senador Joel Villanueva, nakabuo na ang kaniyang tanggapan ng draft ng panukala at isinasapinal na lamang ang parusa na maaring ipataw.
Nais ng mga senador na ipakita na hindi dapat tino-tolerate ang mga gumagawa o nagpapakalat ng ng pekeng inpormayson
Kailangan aniyang magkaroon ng accountability ang sinumang indibidwal na gumagamit ng internet.
Sa draft ng panukala ni Villanueva, papatawan ng isandaang libong piso hanggang limang milyon ang sinumang mapapatunayang nagpapakalat ng pekeng balita o impormasyon.
Ulat ni: Mean Corvera