OFW sa UAE nakaligtas sa parusang bitay – DFA
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs na na nakaligtas na sa parusang bitay ang Overseas Filipino Worker na si Jennifer Dalquez.
Si Dalquez ay nahatulan sa United Arab Emirates sa kasong murder noong May 2015 sa kasong pagpatay sa kanyang employer.
Sa isang statement, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na si Dalquez ay pinawalang sala ng Court of Appeals matapos ang pagdinig kahapon, June 19.
Napatunayan aniya ng Korte na idinepensa lang ni Dalquez ang sarili at aksidenteng napatay ang amo noong December 2014 dahil sa tangkang panghahalay sa kanya.
Hindi na rin inoobliga ng korte si Dalquez na magbayad ng blood money.
Pero nahatulan ito ng limang taong pagkakabilanggo dahil sa pagnanakaw ng cellphone.
Sa ngayon, tuloy ang pagbibigay ng legal assistance ng gobyerno kay Dalquez para sa kanyang mabilis na paglaya.
Ulat ni: Mean Corvera