12 miyembro ng Maute isinalang na sa inquest proceedings
Isinalang na sa inquest proceedings ang 12 hinihinalang miyembro ng grupong Maute na naaresto sa isang ospital sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur.
Ang mga suspek ay ipinagharap ng reklamong rebelyon sa Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City.
13 ang mga naaresto sa Zamboanga del Sur noong June 16, pero sinabi ni Justice Undersecretary Erickson Balmes na namatay na ang isa pang suspek sa ospital.
Sinasabing tumakas ang mga suspek mula sa Marawi City para magpagamot sa ospital.
Hindi pa tiyak kung ibibiyahe sa Camp Bagong Diwa sa Taguig ang 12 suspek.
Ayon sa pulisya, dalawa sa mga suspek ay nagpositibo sa gun powder matapos silang sumailalim sa paraffin test.
Ulat ni: Moira Encina