DOT, kumpiyansang makakabawi pa ang turismo ng Pilipinas
Tiwala ang Department of Tourism na makakabawi ang turismo ng bansa.
Ito ang reaksyon ng ahensya kasunod ng ipinalabas na ulat ng World Economic Forum o WEF kaugnay ng mababang tourism security rating ng Pilipinas.
Ayon kay Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre, hindi magtatagal ay manumbalik rin ang kumpiyansa ng mga turista sa seguridad ng bansa.
Batay sa 2017 Travel and Tourism Competitiveness Index ng WEF, nasa ika-pitumput siyam (79) ang ranking ng Pilipinas sa isang daan at talumput anim (136) na mga bansa sa usapin ng seguridad ng mga turista.
Bumaba rin sa ika-isang daan at dalawamput anim (126) ang Pilipinas sa safety at security.