Pagkakaroon ng National ID System, ipinanukala muli ni Sen. Lacson
Muling ipinanawagan ni Senador Panfilo Lacson ang pagkakaroon ng National ID System.
Sa harap ito ng mga ulat na gumagamit ng pekeng ID ang ilang miyembro ng Maute para makatakas.
Ayon kay Lacson sa lahat ng mga developing country, tanging Pilipinas na lamang ang hindi nagpapatupad ng National ID System.
Sa pamamagitan aniya ng ID System, mas madaling matutunton ang isang indibidwal na may kinalaman sa kriminalidad, terorismo at rebelyon.
Bukod pa rito ang pagpapadali ng mga transaksyon sa pamahalaan dahil sa iisang ID na lamang ang gagamitin.
Please follow and like us: