Pangulong Duterte kakausapin si Indonesian President Joko Widodo kaugnay ng Indonesian nationals na kasama ng Maute group sa Marawi siege

Personal na tatawagan ngayong araw ni Pangulong Rodrigo Duterte si Indonesian President Joko Widodo.

Sinabi ng Pangulo na marami siyang lilinawin kay President Widodo kung bakit nakararami sa mga dayuhan na kasama ng teroristang Maute group na nakikipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan sa Marawi City ay Indonesian nationals.

Ayon sa Pangulo kumpirmadong may mga dayuhang terorista ang kasama ng Maute group na kasalukuyang kumukubkob  sa ilang lugar sa Marawi City.

Bukod sa Indonesian nationals mayroon ding Saudi nationals, Yemeni at Chechen na kasama ang teroristang Maute group.

Ulat ni: Vic Somintac

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *