Implementing Rules and Regulations ng Anti-Distracted Driving Act, inilabas na ng DOTr

Nagpalabas na ng Implementing Rules and Regulations para sa pagpapatupad ng Republic Act 10913 o Act Defining and Penalizing Distracted Driving ang Department of Transportation.

Ipapatupad ang nasabing  batas pagkatapos ng 15 araw na pagkakalathala sa ilang pangunahing pahayagan/.

Sa ilalim ng IRR, huhulihin lahat ng gumagamit ng mobile device o kahit anumang device habang umaandar ang sasakyan, nakahinto  sa mga stop light, o sa intersection.

Hindi naman huhulihin ang mga driver na gumagamit ng mobile device sa pamamagitan ng earphones, speaker phones, microphones, at iba pang similar na device.

Nakasaad din sa IRR, hindi dapat nakalagay ang mga device namahigit sa  4 inchang taas  sa dashboard para hindi makaistorbo sa line of sight ng driver.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *