Pagnanakaw sa mga bangko talamak pa rin

Talamak pa rin ang pagnanakaw sa mga bangko gamit ang ibat-ibang skimming device.

Ito ang dahilan kaya may mga depositors ng Banco De Oro ang nagreklamo noong nakaraang linggo na nabawasan ang kanilang mga deposito.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Banks and Financial Instituitons, ipinakita pa ng mga opisyal ng bangko kung paano ginagawa ang pagnanakaw.

Sa paliwanag ni Tomas Mendoza, BDO senior vice president, ang skimming device ang kumokopya sa mga impormasyon sa ATM card kasama na ang pin numbers.

Oras na maipasok na ang device, makokopya na nito ang lahat ng detalye ng sinumang magwi-withdraw sa ATM machine.

Sabi ng BDO, gaya ng mga negosyante, nag iinvest na rin ang mga sindikato ng mga bagong teknolohiya para makapandaya.

Pitong ATM nila naapektuhan ng nangyaring pagnanakaw at umabot sa siyamnaput limang ATM cards ang kanilang sinira matapos magamitan ng skimming device.

Nangako ang mga opisyal nito na ire-reimburse sa mga kliyente ang anumang mga unauthorized  ATM withrawals pero kailangan nilang magsampa ng pormal na reklamo.

Sa ngayon patuloy ang kanilang ginagawang investment lalo na sa makabagong tekonolohiya para maiwasan ang mga kaparehong insidente

Ulat ni: Mean Corvera

                    

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *