“fake rice” nakarating na sa Cebu

Binabantayan na ng mga ahensiya ng gobyerno ang mga ulat ng magkalat ng fake rice sa Bayan ng Sta. Fe sa Bantayan Island, North Cebu.

Nag-imbestiga na ang National Food Authority at ang Department of Social Welfare and Development  pagkatapos makatangap ng ulat na ilang residente na ang nagkakasakit dahil sa umano’y fake rice.

Una rito, hinihinalang fake rice ang naipamahagi ng DSWD  sa mga residente ng Cebu sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o (4P’s).

Pero paglilinaw naman ni Leah Quintana, Information Officer ng Department of Social Welfare and Development sa Central Visayas (DSWD-7), hindi nagdistribute ng kahit anong NFA rice ang DSWD sa 4P’s beneficiaries sa Sta. Fe.

Dagdag pa ni Quintana, nagbigay lang sila ng financial assistance sa mga beneficiaries at dagdag na ₱600 para pangbili ng kanin.

Ayon naman kay Olma Bayno, NFA Central Office Information Officer, hindi nila alam na may fake rice na sa Sta. Fe kaya  agad  silang  humingi ng sample sa ilang residente para sa laboratory examination.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

   

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *