E.O para sa paggamit ng paputok, nilagdaan na ni Pangulong Duterte

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order tungkol sa paggamit ng mga paputok o iba pang pyrotechnic device.

Nakasaad sa Executive Order No. 28, ang paggamit ng paputok ay kinakailangan may permiso mula sa mga opisyal ng komunidad at lisenyado ng PNP.

Batay sa section 1 ng EO #28, ang community fireworks display na lamang ang papahintulutan.

Nanganguhulugan din na ipagbabawal na ang pagpapaputok gamit ang firecrackers o pyrotechnics sa mga bahay-bahay.

Paliwanag pa sa EO, layunin nito na lumiit ang bilang ng mga nabibiktima o namamatay dahil sa paggamit ng mga paputok.

Sinabi ni Pangulong Duterte, kailangan mapatupad ang nasabing kautusan sa lalong madaling panahon.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *