Inmates ng Cotabato District Jail hindi kumain ng isang meal para idonate sa evacuees ng Marawi
Hindi kumain ng isang meal ang 1,400 inmates sa Cotabato District Jail para makaipon ng pera para ibigay sa mga naapektuhan ng kaguluhan sa Marawi City.
Sinabi ni Supt. Simeon Dolojo, nagdesisyon ang mga inmate na ido-donate nila ang tig P20-meal allowance para sa evacuees ng Marawi.
Nakaipon ang mga inmate ng halos ₱30,000 na gagamitin para bumili ng bigas, noodles at sardinas.
Ayon kay Dolojo, nagbigay din ang mga jailguard ng donasyon at pinadala na ito sa Regional Office ng Bureau of Jail Management and Penology sa Koronadal City.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo
Please follow and like us: