Mga sugatang sundalo isinakay ni Pangulong Duterte sa Presidential plane
Ipinagamit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga sugatang sundalo ang Fokker F-28 o Presidential jet para madala ang mga ito sa Metro Manila.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla Jr., ipinangako ni Pangulong Duterte na gagamitin ng mga sundalo ang presidential plane.
Dagdag pa ni Padilla, sa mga sundalong nangangailangan ng medical attention maaari rin nilang gamitin ang presidential plane at ibang aircraft ng Air Force.
Hiniling din ni Pangulong Duterte kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, na i-convert ang Presidential plane bilang isang air ambulance.
Iniutos din ni Pangulong Duterte, na gawing air ambulance ang lahat ng eroplano na naka assign sa Presidential Airlift Wing.
Ulat ni: Carl Marx Bernardo