14,500-capacity rehab center pinaplanong ipatayo ng DOH bago matapos ang taon

Pinaplano ng Department of Health ang pagpapatayo ng rehabilitation center na kayang mag-accommodate ng 14,500 illegal drug dependents sa pagtatapos ng taon.

Sinabi ni Health Secretary Paulyn Ubial, binase nila ang kapasidad ng itatayong gusali sa 1% ng 1.3 million drug dependent na sumuko sa gobyerno at na nangangailangan ng in-patient treatment.

Dagdag ni Ubial, mayroon na ngayong 13 Regional rehabilitation center, na pinalawak sa limang Regional drug abuse treatment and rehabilitation center at walong  mega drug rehabilitation center na ipinangako ng mga private sektor na inaasahan na matatapos ngayong taon.

Ayon kay Ubial, patuloy na pinagaganda ng DOH ang kanilang database para matukoy kung saang lugar nangangailangan ng rehab center at kung sinou-sino ang kailangan tulungan.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *