Pagkakaroon ng humanitarian crisis sa Marawi, pinangangambahan
Pinangangambahan ang pagkakaroon ng humanitarian crisis sa gitna ng nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City, Lanao del Sur.
Ayon kay Health Undersecretary Herminigildo Valle, mas maraming evacuee ang nagkakasakit habang tumatagal ang sagupaan.
Kabilang aniya sa mga dumadapong sakit ay lagnat at diarrhea sa mga bata at matanda sa mga evacuation center.
Nagpahayag din ng pangamba si Valle sa pananatili ng mga evacuee sa kanilang mga bahay sa halip na sa mga evacuation center.
Umaasa naman ang opisyal na made-decongest ang mga siksikang evacuation center sa loob ng isa hanggang tatlong buwan.
Please follow and like us: