Organ donor, kailangan para makapagligtas ng maraming buhay ayon sa DOH

Sa pagpapatuloy ng selebrasyon ng kidney awareness month, binibigyang diin pa rin sa publiko ang kahalagahan ng maging organ donor.

Ayon kay DOH Sec. Paulyn Ubial, isang mahalagang organ ang kidney  dahilan sa napakarami na ng mga Pilipinong nagkakasakit ng kidney disease.

Dapat pahalagahan ang pagbibigay o donation, at  masidhi nilang ikinakampanya ang organ donation, partikular  ang kidney donation.

Sinabi ni Ubial na matagal nang ikinakampanya ng kagawaran ng kalusugan ang organ donation.

Ayon pa kay Ubial, napakagandang adbokasiya ang organ donation.

Sinabi din ni Ubial na napakaraming maaaring matulungan sa adbokasiya sa  organ donation.

At dahil sa Z-package ng Philhealth, kayang kaya aniyang tustusan ng National Health Insurance Program ang mga mamahaling surgeries gaya ng  open heart surgery , kidney transplant, liver transplant  na hindi kayang tustusan ng mga mahihirap.

Pero sa ngayon, bukod sa Philhealth, meron ng  programa ang DOH na Medical Assistance Program o MAP.

Binigyang diin  pa ni Ubial na sa pagsasama sama ng NKTI, ang coalition na tinawag na  REGALO o ang Renal Gift Allowing Life for Others,  maraming mga Pilipinong nangangailangan ng kidney transplant ang matutulungan at makapagliligtas ng buhay.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *