Kampanya kontra droga ng Duterte administrasyon palpak, Pangulo dapat bigyan ng bagsak na grado sa unang taon ng termino

Bigo ang Duterte administration na sugpuin ang problema sa iligal na droga.

Ayon kay Senador Antonio Trillanes, taliwas ito sa pangako ng Pangulo noong kampanya na tatapusin ang problema sa droga sa loob ng anim na buwan.

Katunayan, nagkalat pa rin aniya ang mga smuggled drugs at bulto-bultong droga pa rin ang nakukumpiska ng mga otoridad.

Sa kabila nito marami na ang nagbuwis ng buhay na hanggang ngayon ay hindi pa nareresolba ng gobyerno.

Sabi ni Trillanes, dapat ring bigyan ng bagsak na grado ang Pangulo sa unang taon ng kanyang termino.

Nabigo aniya itong solusyunan ang mga pangunahing problema ng bansa gaya ng matinding traffic, problema sa peace and order at problema sa kakulangan ng trabaho.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *