Parusa sa magpapakalat ng fake news, inalmahan ng media community
Inalmahan ng media community ang panukalang batas kontra fake news dahil maituturing itong pagsupil sa kalayaang makapagpahayag.
Ayon kay Professor Luis Teodoro, Deputy Director ng Center for Media Freedom and Responsibility, maituturing na paglabag sa konstitusyon at pagsupil sa kalayaan ng pamamahayag ang panukala ni Senador Joel Villanueva.
Unang-una aniya na dapat sagutin ng panukala ni Villanueva ay kung ano ang ibig sabihin o ang tamang depinisyon ng fake news at kung sino ang maaaring magsabi na fake news ang isang balita.
Si Teodoro ay dating nagsilbi bilang Dean ng University of the Philippines College of Mass Communications.