Mga kumpanya ng langis nagpatupad ng rollback ngayong araw
Muling nagpatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis.
Ito na ang ikaapat na rollback ng mga oil company sa loob ng apat na linggo ngayong Hunyo.
Ang Phoenix Petroleum ang naunang nagpatupad ng rollback kaninang umaga.
Dalawamput limang sentimo sa kada litro ng Diesel at 40 centavos sa kada litro ng Gasolina ang kanilang rollback.
Ngayong araw din nag-rollback ang iba pang kumpanya ng langis.
Please follow and like us: