Healthy campaign na tinawag na “52-100” malaki ang maitutulong para mabawasan ang panganib sa heart diseases ayon sa Philippine Heart Association

download
courtesy of wikipedia.org

Nananatiling nangungunang sanhi pa rin ng pagkamatay ng maraming Pilipino ang  cardiovascular diseases tulad ng heart attack, hypertension at iba pa.

Ayon  sa mga  eksperto mula sa Philippine Heart Association mahalagang nababantayan ng tao ang kanyang kalusugan lalo na ang puso dahil sa ngayon, napakaraming risk factors ang  nagiging sanhi ng pagkakaroon ng heart disease halimbawa ay ang maling paraan ng diet.

Isang mainam na  dapat ugaliing kinakain ng tao ay gulay at prutas.

Bukod dito, ang paglalaan ng oras sa ehersisyo at pag iwas sa masasamang bisyo tulad ng sigarilyo.

Kaya naman, patuloy  na pinaiigting ng PHA ang healthy campaign nila na tinawag na  “52-100”.

“When you say  five —five servings of food and vegetables in a day,  two- we are referring of two grams of salt a day–, one —one hour of exercise, and then zero – – zero smoking—zero sugar—so really, ito ay,  andun ung mga kailangan nating ipaala sa kanila – sa mga pasyente, it’s not only   actually salt,  the whole less salt, for wholistic approach  in the lifestyle, healthy lifestyly of our patients  sa mga filipino people”. – Dr.  Ronald Cuyco, Chair, Advocacy Program, PHA

Binigyang diin pa ni Dr. Cuyco na bukod sa heart diseases maraming mga sakit ang maiiwasan sa pagkain ng gulay at prutas.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *