Madalang na public apperance ni Pangulong Duterte hindi dapat bigyan ng negatibong pakahulugan ayon sa Malakanyang
Umapela ang Malakanyang sa mga kritiko na huwag ng bigyan ng negatibong pakahulugan ang madalang na public appearance ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella sa regular press briefing sa Malakanyang na buhay na buhay ang Pangulo at abala sa kanyang trabaho bilang Chief Executive.
Ayon kay Abella kahit hindi madalas nakikita ng publiko ngayon ang Pangulo marami itong ginagawa lalo na ang mga paper works.
Inihayag ni Abella na on the top of the situation ang Pangulo sa mga problemang kinakaharap ng bansa lalo na ang nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City na kagagawan ng mga teroristang Maute group.
Niliwanag ni Abella na may kanya-kanyang work style ang mga naging Pangulo ng bansa.
Ngayon araw na ito ay mayroong public engagement ang Pangulo kabilang dito ang National Economic Development Authority o NEDA board meeting at ang ceremonial presentation ng 15 milyong pisong donasyon para sa Marawi City sa Palasyo ng Malakanyang.
Ulat ni: Vic Somintac