Social media giants nagtulong-tulong para labanan ang internet terrorism

Gumawa ng isang grupo ang social media giants na Facebook, Google’s YouTube, Twitter at Microsoft para pagtulungang alisin ang terrorist content sa kanilang mga website.

Ayon sa mga nasabing kumpanya, bibigyan nila ng solusyon ang mga terrorist content at lalo sila makikipag-ugnayan sa mga counter-terrorism expert para lalong malinis sa terrorist online.

Ayon sa Global Internet Forum ukol sa counter-terrorism, makikipag-ugnay ang iba’t ibang kumpanya at mga foster cooperation kasama ang iba’t ibang tech company, society groups, academics, government at supra-national bodies para malabanan ang internet terrorism.

Hinahangad ng mga naturang kumpanya na mapaganda ang technical work sa pagdating ng December para maipakita ang unique digital fingerprint at ang artificial intelligence na makakatulong sa pag-alis ng terrorism.

Ulat ni: Carl Marx Bernardo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *