Pagkain ng french fries , maaaring maging sanhi ng maagang kamatayan ayon sa pag aaral
Sa mga mahihilig at may paborito sa french fries, alam ba ninyo na may bagong pag-aaral mula sa American Journal of Clinical Nutrition.
Ayon sa mga researcher ng bagong pag aaral, ang mga taong kumakain ng pritong patatas, dalawang beses sa loob ng isang linggo ay mataas ang panganib sa maagang kamatayan.
Ang halimbawa ng pritong patatas ay french fries at hash browns.
Ngunit, kung ang kinakain ay hindi pritong patatas, wala naman itong panganib ayon sa pag aaral.
Paliwanag ng researchers, ang mga kinakain na fried potatoes tulad ng french fries ay isa sa unhealthiest way na pagkain ng patatas, dahil taglay nito ang saturated fat at mataas na sodium o asin.
Ang patatas per se ay nutritious na may mababang calories, vitamin c at b6, potassium at fiber.
Payo naman ng mga eksperto mula sa Harvard school of public health, kung talagang hindi mapigil sa pagkain ng french fries, eat in moderation.
Ulat ni: Anabelle Surara