Pangulong Duterte muling maglalagi sa Mindanao para tapusin ang Marawi siege bago ang kanyang SONA
Muling magbababad si Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao.
Sinabi ng Pangulo na maglalagi muna siya sa Mindanao para tutukan ang operasyon ng militar sa Marawi City laban sa teroristang Maute group.
Ayon sa Pangulo nais niyang tapusin ang Marawi siege bago ang kanyang ikalawang State of the Nation Address o SONA sa July 24.
Inihayag ng Pangulo na patuloy niyang iikutin ang mga kampo ng militar sa Mindanao para palakasin ang morale ng mga sundalo.
Niliwanag ng Pangulo na nakabatay sa rekomendasyon ng militar kung palalawigan pa ang martial law na idineklara sa buong Mindanao.
Ulat ni: Vic Somintac
Please follow and like us: