Pagtawa, panlaban sa anumang uri ng sakit ayon mga eksperto
Pinatunayan na rin ng maraming eksperto na mayroon talagang benepisyong pangkalusugan ang pagtawa.
Bukod sa ekspresyon ng tuwa ang pagtawa, panlaban din ito sa anumang uri ng sakit.
Sa simpleng pagtawa lang ay mawawala ang mga uri ng cells na nagdudulot ng sakit at kabilang dito ang cancer.
Kung mayroong nagtatawanan, ang sabi, don’t worry over why they are laughing, just participate, makitawa lang tayo.
Payo pa ng mga eksperto, pagkagising pa lang sa umaga, ngumiti sa harap ng salamin, batiin ang sarili, at kung may nakakatawa sa sarili ay itawa ito, sapagkat ang simpleng ngiti o pagtawa ay nagpapa-positibo na agad sa pananaw ng isang tao.
Ulat ni: Anabelle Surara