PNP nagpadala ng karagdagang tauhan sa Marawi City

Nagpadala ng karagdagang tropa ang Philippine National Police sa Marawi City para tumulong sa nagpapatuloy na military at police operations doon.

Ayon kay PNP Spokesman C/Supt. Dionardo Carlos, mahigit 300 pulis mula sa PNP Regional Public Safety Battalion sa Luzon ang idineploy sa Marawi partikular mula sa Region 4-A at Region 3.

Sinabi ni Carlos, na nasa 241 mga pulis mula sa Calabarzon o PNP Region 4-A ang pinadala sa Marawi at 72 naman mula sa PNP Region 3 o Central Luzon.

Giit ni Carlos kailangan ng fresh troops sa Marawi kaya kailangan nilang magpadala roon ng karagdagang pulis.

Paliwanag ni Carlos ang mga pulis na galing Luzon ang hahalili pansamantala sa mga pulis na galing sa iba’t ibang regional battalions sa Mindanao na mahigit isang buwan na roon.

Layunin nito na mabigyan sila ng pagkakataon na makapag pahinga.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *