Pangulong Duterte, nakahandang bawiin ang Martial Law kung titiyakin ng AFP at PNP na ligtas na sa Mindanao
Nakahanda si Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang idineklarang Martial Law kung sisiguraduhin ng militar at pulisya na ligtas na sa Mindanao.
Binigyang-diin ng Pangulo na babalewalain niya ang kautusan ng Supreme Court kung sakaling atasan siyang bawiin na ang Martial Law sa Mindanao.
Nauna nang binanggit ng Pangulo na susunod siya sa magiging desisyon ng SC sa usapin ng Martial Law at umaasang hindi babalewalain ng kataas-taasang hukuman ang papel ng ISIS sa nangyayaring karahasan sa Marawi City.
Nilinaw din ng Presidente na ang kanyang mga desisyon ay nakadepende sa impormasyong ibinibigay ng militar at pulisya.