Justice Sec. Aguirre tiwalang papaboran ng SC ang deklarasyon ng Martial law sa Mindanao

Kampante si Justice Secretary Vitaliano Aguirre na pagtitibayin ng Supreme Court ang deklarasyon ng batas militar sa Mindanao ni Pangulong Duterte.

Mayroon hanggang July 5 ang Korte Suprema para desisyunan ang kaso pero posibleng bukas, July 4 ay ilabas na ng SC ang ruling nito kung mayroon bang factual basis o wala ang Proclamation 216 ni Duterte.

Sinabi ni  Aguirre na walang rason para ipawalang-bisa ng Supreme Court ang Martial Law sa Mindanao.

Iginiit ng kalihim na mayroong factual basis ang implementasyon ng batas militar sa nasabing rehiyon.

Mayroon aniyang overwhelming na ebidensya ang pamahalaan na may rebelyon na nagaganap sa pangunguna ng Maute group, Abu Sayyaf at iba pang rebeldeng grupo na sumusuporta sa ISIS at nangangailangan ng batas militar para sa kaligtasan ng publiko.

Alinsunod Saligang Batas, mayroong tatlumpung araw ang Korte Suprema para desisyunan ang kaso ng Martial Law mula nang ihain ang unang petisyon na kumukwestyon dito.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *