Supermarket owners, isinusulong na maalis na ang Suggested Retail Price o SRP
Isinusulong ng mga supermarket owner ang pagtanggal sa Suggested Retail Price o SRP.
Itoy upang mabigyang pagkakataon ang mga consumer na maghanap ng ibang brand ng produkto na abot-kaya ang presyo at manatili ang kompetisyon.
Aminado si Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua na tumaas ang presyo ng basic commodities sa nakalipas na anim na buwan kaya dapat ng tanggalin ang SRP.
Ayon kay Cua, ang mga manufacturer ang dapat magdikta ng presyo ng kanilang mga produkto at hindi rin patas para sa mga consumer kung lahat ng produkto ay tataas gayong mayroon namang ibang brand na mas mura.