Pagpabor ng SC sa Martial Law hindi maaring gamiting batayan para i-extend ang batas militar
Hindi maaring gamiting batayan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang desisyon ng Korte Suprema para palawigin ang Martial Law sa Mindanao.
Ayon kay Senador Richard Gordon, pagkatapos ng 60 days na pag-iral ng Martial law, kailangan pa ring magprisinta ng factual basis ang gobyerno sa Kongreso na may nagaganap pa ring krisis sa Mindanao.
Kabilang na rito ang intelligence information o military operations.
Kung palalawigin aniya ang Martial Law, kailangan nang mag-convene at magsagawa ng joint session ang Kamara at Senado para talakayin ang isusumiteng report hinggil dito ng Pangulo.
Sa report aniya na ito ibabase ng Kongreso kung kailangan pang aprubahan ang extension ng batas militar.
Ulat ni: Mean Corvera