Mga Senador hihingi ng panibagong military briefing kaugnay ng operasyon sa Mindanao

Humihingi na ng panibagong military briefing ang mga Senador kaugnay ng mangyayaring opensiba ng mga otoridad laban sa mga miyembro ng Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Senate Majority Leader Vicente Sotto, ito’y para magkaroon sila ng malinaw na impormasyon o assessment kung kailangan pa bang palawigin ang Martial Law.

Sinabi ni Sotto na kailangang makita nila ang mas malawak na impormasyon sa nangyayaring conflict.

Dito rin aniya malalaman kung kailangang limitahan sa Lanao del Sur o iba pang lalawigan ang Martial Law sa halip na ipatupad sa buong Mindanao.

Naniniwala rin si Senador JV Ejercito na kung may sapat na impormasyon ang mga mambabatas, madaling maaprubahan ang anumang hiling ng Pangulo para sa extension ng Martial Law.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *