NET25 News anchor na si Ms. Gel Miranda, tumanggap ng parangal mula sa United Nations

Dahil sa kaniyang dedikasyon sa paglilingkod sa Broadcasting industry, bilang tagapagbalita at lingkod bayan, pinarangalan si Ms. Gel Miranda ng medalya at certificate of excellence ng United Nations -Intergovernmental Organization (IGO), International Commission of Diplomatic Relation, Human Rights and Peace (ICDRHRP).

Ang naturang  award ay ikinukonsidera  bilang Highest Civil Honor for Outstanding Service for Humanitarian Service, Public Service, Public Health and Related Endeavors na  ibinibigay ng United Nations sa ilalim ng UN – Intergovernmental Organization (IGO) International Commission of Diplomatic Relation, Human Rights and Peace (ICDRHRP).

Iginawad ni Amb. Major Gen. Grand Prince Lord Dr. Divakar Chandra Sarkar, Grand Prince at President ng  Grand Kingdom Dynasty Sarkar Sovereign Monarchy Government at tumatayong Secretary General and Ambassador At Large Extraordinary ng ICDRHRP.

Sa loob ng labingtatlong taon sa serbisyo ni Ms. Miranda, siya ay naging simbolo ng pagsusulong ng kalakasan ng mga kababaihan at pinatunayan ang paghahatid ng patas na balita na kumikilala sa karapatang pantao.

Ang naturang parangal ay iginawad kahapon July 4, 2017.

Ulat ni: Onin Miranda

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *