Pangulong Duterte pinayuhan ni Sen. Gordon na sumulat sa Kongreso kung kailangan pang i-extend ang Martial Law
Pinayuhan n ni Senador Richard Gordon si Pangulong Rodrigo Duterte na sumulat sa Kongreso.
Ito’y kung nakikita nitong hindi pa tapos ang problema sa terorismo at kakailanganing palawigin ang Martial Law sa Mindanao.
Batay aniya sa proseso sa ilalim ng Article 8, Section 18 ng saligang batas, maaring magsumite ng report ang Pangulo para i-extend ang Martial Law.
Kapag natanggap ng Kongreso ang report o sulat ng Pangulo, may apatnapu’t walong oras ito para magpatawag ng joint session.
Pero maari rin naman aniyang gawin ng Pangulo ang report sa mismong araw ng kanyang State of the Nation Address sa July 24.
Pero apela ni Senador Vicente Sotto, hindi dapat madaliin ng militar ang operasyon para lamang magkaroon ng accomplishment ang Pangulo sa kanyang SONA.
Ulat ni: Mean Corvera