Mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao dapat hiwalay na dinggin ayon sa SC

Dapat na lutasin o dinggin ng hiwalay ang mga paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng  Martial Law.

Ayon sa desisyon ng Korte Suprema, hindi nito nakita ang pangangailangan na tukuyin ang constitutionality ng mga operational guidelines, general order at arrest order na ipinatutupad sa Martial Law sa Mindanao.

Kapag isinama pa ang mga ito ng Korte Suprema sa  pagrebyu kung may sapat na batayan ang Martial Law ay pagsapaw ito sa mandato ng Kongreso na may kapangyarihan na ipawalang bisa ang batas militar.

Ibig sabihin di na sinakop ng ruling ng Korte Suprema ang mga operational parameters o mga dapat ipatupad sa Martial Law.

Samantala kumbinsido ang SC na nagkaroon na ng spill over ang nagaganap na rebelyon sa Marawi City sa iba pang bahagi ng Mindanao.

Ang nagaganap anilang gulo sa Marawi City ay hindi  isolated doon kaya makatwiran ang batayan ng Pangulo para ideklara ang batas militar sa buong Mindanao.

Ulat ni : Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *