Quake drill muling isasagawa ng MMDA sa susunod na linggo
Muling magsasagawa ang Metropolitan Manila Development Authority ng apat na araw na quake drill sa susunod na linggo.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, magaganap ang nasabing quake drill sa July 14, Biyernes hanggang July 17, Lunes.
Ang nasabing aktibidad na tinawag na Metro Manila shake drill ay isinasagawa taun-taon para ihanda ang Metro Manila sa posibleng pagtama ng sinasabing the big one o ang magnitude 7.2 na lindol.
Magsisimula ang quake drill ng alas kwatro ng hapon sa nabanggit na mga araw.
Pinili ng MMDA ang nasabing oras para makalahok ng mga office worker, at maisabay sa rush hour.
Dahil sa isasagawang aktibidad, inutusan na ang MERALCO na pansamantalang patayin ang suplay ng kuryente sa loob ng limang minuto.