Nirepasong Anti-Distracted Driving Act, ipatutupad na ngayong araw – MMDA
Sinimulan nang ipatupad ngayong araw ang nirepasong Anti-Distracted Driving Act.
Ayon sa Metro Manila Development Authority, huhulihin na ang mga driver na gumagamit ng electronic devices at mobile phones, maliban na lamang sa mga cellphone na may hands-free functions habang nagmamaneho.
Kailangan ding ilagay lamang ang mga gadget sa dashboard pero hindi dapat lalagpas sa four-inch height limit.
Kabilang naman sa mga ipinagbabawal sa ilalim ng batas para gawing ligtas ang pagmamaneho ang paghawak sa device kapag tatanggap ng tawag; kapag tatawag; magpapadala at magbabasa ng text messages; magsasagawa ng calculations; maglalaro gamit ang mobile phones; manood ng videos at ang mag-browse ng internet.