Supplementary feeding program, isasagawa sa Palawan

Isasagawa sa Palawan ang supplementary feeding program na popondohan ng Department of Social Welfare and Development.

Ayon kay Ms. Rachel Paladan,head ng Provincial Nutrition Action Center,  may budget na  sixty two million pesos ang DSWD para sa nabanggit na programa.

Binigyang diin ni Paladan na ang supplementary feeding program ay isasagawa dalawang beses sa isang araw sa mga lugar sa naturang lalawigan kung saan marami ang mga batang malnourished.

Ito anya ay pagpapalakas ng kampanya laban sa malnutrition  ng mga bata sa child development centers at  beneficiaries ng supervised neighborhood play.

Naka focus ang programa sa mga batang ang edad ay tatlo hanggang limang taong gulang  na nasa bahay lang at hindi nakakapunta sa naturang centers.

Target ng programang ito na mapapaba ang prevalence rate ng malnutrition sa buong bansa.

Ulat ni: Anabelle Surara

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *