South Korea nagkaloob ng donasyon sa mga biktima ng kaguluhan sa Mindanao

Nagkaloob ng limang milyong pisong cash donation ang embahada ng South Korea para sa mga naging biktima ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Marawi City.

Ibinigay ni South Korean Ambassador Kim Jae-Shin ang nasabing donasyon sa pamamagitan ng Philippine Red Cross at tinanggap ng Chairman nito na si Senador Richard Gordon.

Kasabay nito, nagpahayag din ng pakikisimpatiya si Kim sa mga taga-Marawi at umaasang matatapos na agad ang kaguluhan sa lungsod.

Nangako rin ang ambassador na nakahanda silang tumulong para sa rehabilitation at rebuilding ng Marawi City.

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *