SONA speech ni Pangulong Duterte wala pang final draft ayon sa Malakanyang
Hindi pa nabubuo ang final draft ng SONA speech ni Pangulong Duterte sa darating na July 24.
Sinabi ni Presidential Communications Secretary Martin Andanar na pinag-uusapan pa hanggang ngayon kung ano ang magiging laman ng ikalawang SONA ni Pangulong Duterte.
Ayon kay Andanar inaasahan na ang mga adlib ng Pangulo sa kanyang SONA speech.
Inihayag ni Andanar na magiging simple lamang ang SONA ng Pangulo at iiwasan ang mga magagarbong kasuotan.
Idinagdag ni Andanar na binabalak ng kanyang tanggapan na kumuha ng interpreter sa para sa Visayan langauge adlib ng Pangulo gayundin ang pagkuha ng sign language expert para maintindihan ng mga kay hearing problem ang SONA message ng Pangulo.
Ulat ni: Vic Somintac