Isang kongresista pumalag sa “fake news”kaugnay sa Ilocos Norte probe

Pumalag si House Committee on Good Government and Public Accountability Chair Johnny Pimentel sa aniya’y paglabas ng fake news kaugnay ng muling pagpapatuloy ng pagdinig ng Kamara sa umano’y iregularidad sa paggamit ng Ilocos Norte Government ng tobacco excise fund.

Partikular na tinukoy ni Pimentel ang lumabas na balita sa isang website kung saan kino-quote siya na nagsasabing dapat mag inhibit si House Majority Leader Rodolfo Fariñas sa nasabing pagdinig.

Binigyang diin ni Pimentel na walang katotohanan ang nasabing balita dahil kabaliktaran ito sa naging pahayag niya sa isang press conference sa Kamara nitong nakaraang Huwebes.

Paliwanag ni Pimentel, ang sinabi nya sa nasabing presscon ay hindi maaaring hilingin na mag-inhibit si Fariñas sa pagdinig dahil isa ito sa may akda ng resolusyon para imbestigahan ang nasabing iregularidad.

Bagaman naalis na aniya sa website ang nasabing balita ay marami na ring nakabasa nito.

Pinapalagan rin nito ang mistulang pang-iintriga sa hanay nilang mga mambabatas na nais lamang aniyang magbigay linaw kung saan napunta ang tobacco funds na para sana sa kapakanan ng tobacco farmers.

Sa Hulyo 25 muling ipagpapatuloy ng Kamara ang pagdinig sa nasabing isyu kung saan inaaasahang haharap si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *